Thursday , December 26 2024

Karnaper huli sa akto bugbog-sarado

111014 motor carnap caloocanBUGBOG-sarado sa taumbayan ang isang karnaper makaraan maaktohan habang tinatangay ang isang motorsiklo sa tapat ng bahay ng biktima kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Arestado ang suspek na si Jerickson Cueto, 22, residente ng 2006 Katamanan St., Brgy. 223, Tondo, Manila, nahaharap sa kasong carnapping, nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police.

Batay sa ulat ni PO2 Patrick Jay Baldemor, dakong 8 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktimang si Dante Sotto, 37, ng 74 M.H. Del Pilar St., 4th Avenue, Brgy.177 ng nasabing lungsod.

Salaysay ng biktima, palabas siya ng bahay nang maaktohan niya na pinaaandar ng suspek ang kanyang Honda Wave (XI-1851) saka mabilis na tumakas.

Sumigaw ang biktima kaya mabilis na sumaklolo ang mga barangay tanod at mga kalalakihan dahilan upang madakip ang suspek na binugbog muna bago dinala sa himpilan ng pulisya.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *