Thursday , December 26 2024

79-anyos Civil Engr natagpuang hubo’t hubad patay

083014 deadHUBO’T HUBAD, nakasalamin sa mata at naka-tsinelas lamang ang isang retiradong civil engineer nang matagpuang walang buhay sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Roberto Altares, 79, ng 102 Espiritu St., Brgy. Tinajeros ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni PO3 Rommel Habig, dakong 6:10 p.m. nang matagpuan ang bangkay sa harap ng dining table.

Ayon sa ilang kapitbahay ng biktima, huling nakita si Altares na lumabas ng bahay dakong 8 p.m. nang sinundang gabi upang magpa-load sa katabing tindahan.

Kamakalawa ng gabi ay natagpuang matigas nang bangkay ang biktima at hubo’t hubad na nakatihaya sa tabi ng dining table.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may naging bisita ang suspek bago siya natagpuang walang buhay.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *