PINAIIMBESTIGAHAN ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Henry Ranola ang nangyaring pagdukot at panghahalay sa magkahiwalay na insidente sa dalawang estudyante sa lungsod ng Makati.
Sinabi ni Ranola, inatasan na niya si Makati City Police chief, Senior Supt. Ernesto Barlam na magsagawa nang malalimang im-bestigasyon kaugnay sa dalawang magkasunod na pagdukot sa dalawang estudyante na isinakay sa SUV van at hinalay.
Agad bumuo ang pamunuan ng Makati City Police ng composite team para sa pagsasagawa ng follow-up operation at pagdakip sa grupo ng mga kalalakihan.
Jaja Garcia