Saturday , November 2 2024

No.1 most wanted sa Munti arestado

040314 prisonBUNSOD ng patuloy na kam-panya ng pulisya laban sa kriminalidad, isa na namang notoryus na holdaper na no.1 most wanted person ang naaresto kamakalawa sa Muntinlupa City.

Kinilala ang suspek na si Mark Lawrence Santos, 18, nakatira sa Block 2, Purok 1, Alabang, Muntinlupa City.

Dakong 7:50 p.m. nag-aabang ng mabibiktima si Santos sa foot bridge ng Montillano St. nang dakpin ng mga pulis sa pamumuno ni Chief Insp. Antonio Ananayo, Jr., hepe ng Muntinlupa Police Intelligence Section, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery na inisyu ni Assisting Judge Lori Fel Lacap, ng Muntinlupa Regional Trial Court, Branch 207.

Nabatid na si Santos ay top 1 most wanted person ng Muntinlupa Police Station at Southern Police District (SPD).

Nitong Nobyembre 1, naaresto ng mga operatiba ng Muntinlupa Police  at Public Order and Safety Office ang suspek na si Milo Pepito, top 10 most wanted persons sa Muntinlupa dahil sa iba’t ibang kaso.

Habang noong nakalipas na buwan, unang naaresto ng pulisya ang top 7 most wanted person na miyembro ng Michael Mangando gun-for-hire group.

Sinabi ni Sr. Supt. Allan Nobleza, Muntinlupa police chief, bumaba na ang crime rate sa lungsod.

Lubos itong ikinagalak ni Mayor Jaime Fresnedi at pinapurihan ang pulisya sa kanilang patuloy na kampanya laban sa masasamang elemento para sa peace and order sa Muntinlupa.

Manny Alcala

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *