CEBU CITY – Nasadlak sa selda ang mag-asawang level 2 drug pusher at isa pang makaraan ang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Mojon, lungsod ng Talisay Cebu kamakalawa.
Tinatayang aabot sa P2.3 milyon ang halaga ng 200 grams ng shabu na narekober ng mga pulis.
Kinilala ang mga suspek na sina si Paquito Hisola, 33, nas akategoryang level 2 drug pusher; Dianne Brigid Ortega, 27, live-in partner ni Hisola; at si Redoma Tiana, 49, pawang nakatira sa naturang lugar.
Inihayag ni Senior Insp. Armando Labora ng Provincial Intelligence Branch ng CPPO, iniulat ng isang informant ang hinggil sa illegal na gawain ng mga suspek kaya isinagawa nila ang buy-bust operation.
Nakipagnegosasyon ang pulisya, sa pamamagitan ng poseur buyer para bumili ng 100 grams ng shabu, sinabi ng suspek na may available siyang 200 grams ng illegal na droga.
Ani Labora, hindi nagawang makatakas ng mga suspek nang malaman na mga pulis pala ang nakipag-deal sa kanila.
Bukod sa 200 grams ng shabu, narekober din ng mga awtoridad ang P400,000 bundle money.