DINUKOT ang isang 21-anyos estudyante at halinhinang ginahasa ng apat na lalaki sa Makati City.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang Maricel, noong Setyembre 30 nangyari ang insidente ngunit ngayon lang siya nagkalakas ng loob na magreklamo.
Kwento ng biktima, dakong 6:30 p.m., pauwi na siya galing sa eskwelahan at naglalakad sa EDSA-Magallanes Interchange nang mapansin niyang may van na mabagal ang takbo at nakasunod sa kanya.
Nang tumapat sa kanya, pilit siyang isinakay sa van at doon halinhinang ginahasa ng apat kalalakihan.
Kinabukasan, 3:30 a.m. nang matagpuan ng mag-ina ang biktima na walang malay at nakahandusay sa matalahib na kalsada sa Malolos, Bulacan.
Magugunitang isang 14-anyos dalagita ang dinukot din at minolestiya sa loob ng van sa Makati City nitong Nobyembre 3.