NAKOBRA na ng 62-anyos retiradong government employee mula sa Parañaque ang higit P45 milyong jackpot sa 6/49 Super Lotto na binola noong Oktubre 30.
Ayon sa bagong milyonaryong ginang, 1996 pa niya inaalagaan ang kombinasyong 2-5-11-14-42-39 hanggang sa solo niyang mapanalunan ang jackpot.
Si Philippine Charity Sweepstakes Office officer-in-charge Conrado Savella ang mismong nag-abot ng premyo sa ginang.
Ayon sa ginang, gagamitin niyang pambayad sa mga utang ang pera at para na rin sa tatlo niyang anak.