SA ikalawang pagkakataon, nagtagumpay ang isang construction worker sa pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa hirap ng buhay kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Wala nang buhay nang matagpuan ang biktimang si Michael Fabon, 28, sa kanilang bahay sa Phase 5, Package 5, Block 29, Excess Lot, Bagong Silang ng nasabing lungsod dakong 5 a.m.
Sa imbestigasyon ni PO3 Gomer Mappala, sa unang pagbibigti ng biktima ay napigilan siya ng kanyang mga kaanak.
Ngunit sa ikalawang pagkakataon, natuklasan ng kanyang kinakasamang si Eden Alota na wala nang buhay ang biktima habang nakabitin sa kanilang kwarto.
Rommel Sales