KALABOSO ang isang lalaki at sinabing kanyang kalaguyo nang mahuli sa akto ni misis na naghahalikan sa loob ng kanilang kwarto sa San Mateo, Rizal, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, hepe ng pulisya, ang mga nadakip na sina Nestor Lita, Jr., 24, nakatira sa Brgy. Sto. Niño, San Mateo, at Estrella Rivera, 42, nakatira sa Brgy. Cupang, Antipolo City.
Dakong 7 p.m. nang maaktohan ni misis na naghahalikan ang kanyang mister at si Rivera sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar.
Bunsod nito, humingi ng tulong ang ginang sa barangay at pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa magkalaguyo.
Ayon sa ginang, anim na buwan nang may relasyon ang dalawang suspek kaya kanyang sinubaybayan para mahuli sa akto.
Ed Moreno