Lola: Ineng pa-limos naman…
Girl: Lola bakit po dalawa lata nyo?
Lola: Ineng, as a businesswoman we shud tink on more ways on how to develop our business. That’s why instead of associating the money I got for my daily expenditures, I invested it by putting up another branch.
Haha grabe si Lola!
***
Habang umeebak si Mister
Misis: Isara mo naman ‘yung pinto pag dumudumi ka. Nakikita ‘yang kuwan mo.
Mister: Bakit ba? Hindi naman madalas bakit nagrereklamo ka?!
Misis: ‘Wag naman dito sa Jollibee.
***
Pedro: Alam n’yo lolo ko nagpagawa ng bahay, bubong pa lang 1 milyon na.
Juan: Ang yaman naman, pero wala ‘yan sa lolo ko nagpagawa ng bahay may swimming pool pa sa bubong 10 million inabot …
Tonetski: Wala naman pala kwenta mga lolo n’yo e… lolo ko bubong palang P200 milyon na.
Pedro: Weh ‘di nga?
Juan: Bakit saan ba nakatira lolo mo?
Tonetski: Sa ilalim ng flyover … (Wahahahaha)