Saturday , December 28 2024

Feng Shui: Pakilusin ang chi sa pagpaplano ng pamilya

00 fengshuiANG Feng Shui ay nagsisikap na balansehin, pagandahin at isaayos ang ating buhay maging sa pagpaplano ng pamilya. Kaya naman, gawing solusyon ang Feng Shui sa pagbibilang, pag-aagwat at ta-mang pagpapalaki ng iyong mga anak sa araw-araw.

Romance

Sa pagkakasunod-sunod ng yugto ng pamumuhay, romansa ang tanging bagay na nagbubukas ng pamilya. Isa sa prinsipyo ng Feng Shui hinggil dito ay iyong paggalaw.

Ang romantikong mag-asawa ay dapat na nagsasalo ng kanilang atensi-yon at pagmamahal sa isa’t isa sa southwest area ng kanilang kwarto. Kung i-a-apply ang prinsipyo ng paggalaw at paglalagay ng enerhiyang gumigising ng mga elemento, gaya ng natural illumination at symmetry, ito ay maghahatid ng init sa inyong pagsasama bilang mag-asawa.

Go East

Ang Silangang bahagi ng inyong bedroom ay may kaugnayan sa inyong anak. Payo ng Feng Shui experts sa mga mag-asawang nais magpalaki ng pamilya, lagyan ng dekorasyong may kinalaman sa earth element ang parteng ito. Vases, frames at artistic rock gardens ay ilan lamang sa mga bagay na maaari mong ilagay rito. Ang earth ay sumisimbolo sa fertility. Ang earth ay lugar kung saan itinatanim ang pagkain at pinalalaki ang mga hayop para makain, katulad din ng buhay.

Dahil ang bahaging ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng anak, ito ay dapat na malinis at walang bahid ng ano mang kalat. Ang mga kalat sa lugar na ito ay nag-aalis ng chi na da-pat ay papasok sa inyong bahay.

DECORATE FOR FERTILITY

Nararapat lamang na pag-ukulan ng pansin ang mga dekorasyon, dekoras-yong sumisimbolo sa pagkakaroon ng anak.

Ang elepante ay isang simbolo ng fertility. Kung maglalagay ka ng isang estatwa sa ano mang bahagi ng inyong bedroom, ito ay nakaa-attract ng symmetry sa kwarto.

Ang matabang halaman na nakapalibot sa inyong bahay ay nagbibigay ng growth aura, lalo na kung ito ay isang kawayan. Huwag maglalagay ng mga halamang unti-unti nang nalalanta o natutuyo ang dahon dahil hindi ka nito bibigyan ng anak.

OPEN THE DOOR FOR BABY CHI

Ang front door ang unang lagusan ng chi. Kung ito ay nahaharangan ng ano mang bagay, bumabagal din ang daloy ng enerhiya sa inyong bahay. Kaya naman, ipinapayong tanggalin ang puno o ano mang bagay na nakalagay sa harap ng front door.

Dagdag pa rito, maaari ka rin magsabit ng isang wind chime sa front door.

Kung ito ay madalas mong naririnig na tumutunog, hudyat din ito sa rumaragasang pagpasok ng chi energies.

Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *