Good p.m. po Señor H,
S pngnp q po mrami puno taz nagulat aq dahil mlki tyan q bntis pla aq pgktapos nainis aq s bhok q nkklbo n rw ksi e babae po aq, Aq c Ofel ng Romblon, tnx!! don’t post my CP #!! Tnx!!
To Ofel,
Ang puno sa bungang-tulog ay sagisag ng bagong pag-asa, growth, desires, knowledge, at buhay. Pati na ng strength, protection at stability. Ikaw ay nakatuon sa pagpapa-unlad ng iyong sarili. Dapat mong ipagpatuloy ang iyong magandang ginagawa para sa kapakanan ng iyong mga mahalsa buhay
Kapag nanaginip na ikaw ay buntis, ito ay simbolo ng aspeto sa iyong sarili o ilang aspeto ng iyong personal na buhay na lumalago o nade-develop. Maaari rin na ito ay nagsasabi ng ukol sa birth of a new idea, direction, project, o goal. Alternatively, kung ikaw naman talaga ay naghahangad na mabuntis, ito ay maituturing na simbolo ng takot sa bagong responsibilidad. Kung ikaw naman ay talagang buntis at napanaginipan ito, nagpapakita ito ng iyong agam-agam ukol sa pagbubuntis mo. Ingatan ang iyong sarili pati na ang kapakanan ng iyong magiging anak, dahil magsisilbi itong isang napakahalagang kayamanan sa iyo.
Ang buhok sa panaginip ay nagsasad ng ukol sa sexual virility, seduction, sensuality, vanity, and health. May kaugnayan din ito sa attitudes. Kung knotted o tangled ang iyong buhok sa bungang tulog mo, ito ay simbolo ng uncertainty and confusion sa iyong bahay. Maaaring maging dahilan din ito para hindi makapag-isip ng maayos o matuwid. Kung biglang magbabago ka ng style ng buhok, maaaring ito ay may kaugnayan sa gagawing drastic at new approach sa ilang isyu.
Kung kalbo naman o nakakalbo na sa panaginip, may kaugnayan ito sa lack of self-esteem or worries about getting older. Alternatively, ito ay simbolo rin ng humility, purity, and personal sacrifice. Nagsasaad din ito na nasa stage ka na ng iyong buhay na kompiyansa nang ilantad ang sarili.
Señor H.