PALAISIPAN sa mga awtoridad ang pagpapakamatay ng isang 14-anyos estudyante sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.
Kinilala ang biktimang si Eduardo Martin Manguni, estudyante ng Tanza National High School, at residente ng Block 6, Lot 30, Carville Subdivision, Brgy. Tanza ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ni PO2 Allan Bangayan, 12:10 a.m. nang matagpuang nakabigti ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Salaysay ni Edgar John, 17, kapatid ng biktima, umakyat siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay para tawagin si Eduardo ngunit nagulat siya nang makitang nakabigti na ang binatilyo.
Rommel Sales