Kung ikaw ang bilyonaryong co-founder ng Microsoft, okay lang na bigyan ng luho ang sarili nang paminsan-minsan. Ito nga ang ginawa ni Paul Allen, na ang net worth ay umaabot sa US$17.1 bilyon, sa pamamagitan ng pagbuo ng koleksyon ng fully-restored na mga World War II fighter jet. Hindi inilabas ni Paul ang tunay na halaga ng kanyang koleksyon ngunit ayon kay Mark Clark, presidente ng Courtesy Aircraft Sales sa Rockford, Illinois, “aabot ito sa milyon-milyong dolyar,” pahayag niya sa Forbes magazine.