DAGUPAN CITY – Inaalam ng mga awtoridad kung mayroong sindikato ng illegal na droga sa likod ng illegal transaction ng 14 kataong nahuli ng mga pulis kabilang ang isang buntis, sa malaking buy bust operation sa lungsod ng Dagupan.
Inamin ng mga awtoridad na hirap ang kapulisan sa operasyon ng droga sa lungsod partikular sa Sitio Aling na pinamumugaran ng mga suspek.
Sinasabing ang lugar ay kilalang talamak ang illegal drugs operation.
Nabatid na lima sa mga nahuli ay kabilang sa watchlist hindi lamang ng Dagupan City PNP kundi sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1.
Tinatayang 87 sachet ng shabu na may market value na mahigit P100,000 ang kabuuang nakompiska ng mga awtoridad.
Beth Julian