TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang kakulangan sa mga unit ng bus na bibiyahe para matugunan ang pangangailangan ng mga mananakay na uuwi sa iba’t ibang probinsiya sa bansa.
Ayon sa LTFRB, nagpalabas na sila ng 1,000 special bus permit para sa karagdagang biyahe mula kahapon hanggang sa Sabado.
Nagsimula na rin kahapon ang LTFRB sa pag-inspeksiyon sa bus terminals para siguruhing ang lahat ng bus na bibiyahe ay may kaukulang permit at prangkisa.
Bukod dito, kailangan ding nasa magandang kondisyon ang mga bus, lalo na ang mga mabibigyan ng special permit para ligtas itong sakyan.
Beth Julian