Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laundry and coins sa dream

00 Panaginip
Gud pm po Señor,

Ngdrim ako na may mga babaeng nagllba at marami daw po mga tao, ang dami nila, mga tao at mga nagllba, d ko alam kng bakit, den mya2 may nakikita ako mga barya, ano kaya mensahi ni2 pngnip ko po, call me jayar, dnt pst my cp no. pls!

To Jayar,

Ang nakitang mga naglalaba ay maaaring may kaugnayan sa transformation o cleansing. Ikaw ay handa nang alisin sa iyong sistema at isipan ang mga sakit at kabiguang naranasan noon. Panahon na para sa mga pagbabagong makatutulong sa iyo. Sa kabilang banda, maaaring paalala rin ito sa iyo upang ayusin ang paningin sa iyo ng ibang tao. Posible rin naman na masyado kang concern sa iyong appearance, kaya ganito ang naging tema ng panaginip mo. Ang mga nakitang tao sa iyong panaginip ay maaaring nagre-represent ng iyong anino at iba pang unacknowledged aspects ng iyong katauhan. Maaaring may kaugnayan sila sa mga quality at damdamin na taglay nila at hinahangad mo rin para sa iyo.

Ang iyong panaginip ukol sa barya ay nagpapakita ng mga nakalagpas, hindi napansin, o nawalang pagkakataon o suwerte na dumating sa iyo. Posible rin naman na may kaugnayan ito ukol sa mga desisyon na iyong ginagawa, pati na rin ang kawalan ng responsibilidad sa mga pasyang ginagawa. Sa kabilang banda, ang iyong panaginip ay posible rin namang nagsasaad na ang tagumpay at kaunlaran ay halos abot kamay na. Dapat lang na ipagpatuloy ang pagsisikap at ang mga positibong bagay na ginagawa. Gayundin, ang pera ay maaaring nagre-represent ng confidence, self-worth, success, o values. Ikaw ay may sapat na tiwala sa sariling kakayahan. Ang ganitong tema ng panaginip ay maaaring may kaugnayan din sa iyong attitudes ukol sa love at matters of the heart.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …