Friday , December 27 2024

Tigil-pasada ikinasa ng piston (Protesta sa malaking multa)

102714_FRONTKASADO na ang malawakang kilos-protesta at tigil-pasada ng mga pampasaherong jeepney, tricycle, UV Express Service at taxi ngayong Lunes.

Ayon sa PISTON, ito’y bilang pagtutol nila sa Joint Administrative Order (JAO) ng Department of Transportation and Communications (DoTC), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na nagpapataw nang mas malaking multa sa ko-lorum na mga sasakyan.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, magsasagawa ng tigil-pasada ang kanilang mga miyembro sa Cagayan de Oro, Iligan City, Bukidnon, Misamis Oriental at Surigao del Norte.

May mga kilos-protesta rin aniya sa Metro Manila, Laguna, Albay, Iloilo, Bacolod, Cebu, Northern Minda-nao, General Santos City at Davao City.

Sa Metro Manila, dakong 5 a.m. magsisimula ang pagkilos sa Alabang, Monumento sa Caloocan, Roxas Boulevard sa Pasay, Novaliches at Cubao sa Quezon City.

Dakong 10 a.m. tutulak sila sa tanggapan ng LTFRB at LTO sa East Avenue, Quezon City.

Ihihirit ng PISTON na suspendihin at tuluyang ipawalang-bisa ang JAO na isa umanong money making scheme.

Matatandaan, Hunyo nang ipatupad ang JAO na nagtatakda ng multang aabot sa P1 milyon para sa mga bus.

Habang nagbabala ang LTFRB na mahaharap sa parusa ang mga lalahok sa tigil-pasada.

(HNT)

MMDA may libreng-sakay vs tigil-pasada

MAY libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga biyahe-rong maaapektohan ng malawakang kilos-protesta at tigil-pasada ng ilang pampublikong sasakyan ngayong Lunes.

Ayon sa transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), hindi papasada ang ilang driver ng jeep, tricycle, UV Express Service at taxi sa Metro Manila, Laguna, Albay, Iloilo, Bacolod, Cebu, Northern Mindanao, General Santos City at Davao City.

Dahil dito, nakaantabay na sa tanggapan ng MMDA ang mga trak na gagamitin para ihatid nang libre ang maaabalang mga pasahero.

Pakiusap ni MMDA Chairperson Francis Tolentino sa mga lalahok, huwag pwersahin ang ibang tsuper na sumama sa protesta.

Jaja Garcia

Tanggal-prangkisa suportado ng palasyo (Sa lalahok sa protesta)

SUPORTADO ng Palasyo ang babala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tatanggalan ng prangkisa ang mga lalahok sa transport strike ngayon.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kinikilala ng administrasyong Aquino ang karapatang maghayag ng saloobin sa maayos at mapayapang paraan ngunit kailangang tuparin ng mga tsuper at operator ang mga tungkulin na nakasaad sa ipinagkaloob sa kanilang prangkisa.

Giit niya, responsibilidad ng pamahalaan na ipatupad ang batas at pairalin ang kaayusan sa kapakanan ng mga mamamayan.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *