Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kakampi ba ni Binay si Erap?

MUKHANG matindi ang payo ni Manila Mayor Erap Estrada kay Vice President Jojo Binay.

Mantakin n’yo, payuhan ba naman ni Erap si Binay na huwag humarap sa imbestigasyon ng Senado dahil magigisa lamang daw lalo ang pangalawang pangulo.

Sa ating pagtatasa, malinaw na kaya bumaba ang rating ni Binay sa tao dahil ayaw niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee ng Senado at iyan ang ipinakita sa ginawang survey ng SWS na walo (8) sa sampung (10) Pinoy ang gustong harapin ni Binay ang mga nag-aakusa sa kanyang senador na kinabibilangan nina Antonio Trillanes, Alan Cayetano at Koko Pimentel.

Malinaw ang gusto ng taumbayan at iyan ang dapat sundin ni Binay, nararapat niyang harapin ang kanyang mga dating bataan sa Makati na ngayon ay mistulang wala siyang naitulong na mabuti kagaya nina dating vice mayor Nestor Marcado at Atty. Renato Bondal.

Nagdududa rin ang madla kay Erap dahil kung aanalisahin ang kanyang payo kay Binay na huwag humarap sa Senado ay mas makasisira ito sa karerang politikal ng pangalawang pangulo dahil malinaw na ang sinasabi ng taumbayan.

Labis tuloy ang malisya sa isip ng publiko sa ginagawang pagpapayo ni Erap dahil hindi mamatay-matay ang sunog tungkol sa pagtakbo niya sa 2016 bilang pangulong muli ng bansa.

Alam ni Erap ang timing at ito ang kanyang ginagawa sa kasalukuyan dahil ang pagkasirang lalo ni Binay sa tao ay siyang simula naman ng kanyang tiyansang muli na makabalik sa Malakanyang.

Kagatan na ang usapan sa ngayon at diyan dapat maging mapanuri si Binay dahil ang maliit niyang pagkakamali sa kasalukuyan ay posibleng magbaon lalo sa kanya sa kumunoy ng pinakaaasam niyang pangarap.

Tiyak na darami pa ang mapagpanggap sa ngayon kaya’t dapat maging mapanuri ang pangalawang pangulo dahil posibleng ang mga kasama niya araw-araw ay sumakabilang bakod na para sa pera.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mataas na presyo, maling pinupuntirya

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PATULOY ang digmaan sa Gitnang Silangan, at kahit malayo …

Sipat Mat Vicencio

Datem, DMCI at iba pang major construction firms tutulong kay PBBM

SIPATni Mat Vicencio INAASAHANG magiging maayos at matino ang pagpapatupad ng susunod na malalaking infrastructure …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Pagkiling ng Ombudsman sa dating House Speaker depensang garapal nga ba?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PATULOY na pagbanggit sa pangalan ni Martin Romualdez sa iba’t …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Kapangyarihan vs. pananampalataya sa panahon ng Kuwaresma

PADAYONni Teddy Brul HABANG papalapit ang panahon ng Kuwaresma—isang yugto ng pagninilay, pagsisisi, at pagbabalik-loob—muling …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Sa likod ng oil price hike
Dambuhalang kita ng kompanya, pighati ng masa

PADAYONni Teddy Brul SA BAWAT LINGGO, tila naging normal na ang biglaang taas-baba ng presyo …