Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DOT, PBA magtutulungan para sa turismo

NAKAKUHA ang Department of Tourism ng tulong mula sa Philippine Basketball Association upang i-promote ang programang ‘Visit The Philippines Year 2015’.

Ito’y naging resulta ng pulong nina PBA board chairman Patrick “Pato” Gregorio at Tourism undersecretary Domingo ‘Chiko’ Enerio noong Biyernes.

Sinabi ni Gregorio na gagamitin ng DOT ang PBA bilang isa sa mga pangunahing tourist attractions ng nasabing departamento.

“’In the Visit The Philippines’ campaign of the Department of Tourism, online will play a big role in promoting the PBA and the Philippines as a sports tourism destination,” wika ni Gregorio. “When we had our board planning session in Korea, the OFWs there acknowledged all of us, lalo na sina coach (Ginebra alternate board member) Alfrancis (Chua), then susunud nilang nakilala si coach Ryan (Gregorio), pero pati yung mga governors at si  (commissioner) Chito (Salud). Eh paano nilang makikilala yun, wala namang TV? Ang sabi ng mga fans, dahil sa online.”

Idinagdag ni Gregorio na ang plano ng PBA na kunin ang ilang mga imports mula sa iba’t ibang mga bansa sa Asya ay makakatulong sa programang pang-tourismo ng liga.

“With the PBA, nakita na nila (Tourism officials) that one way to promote the country is through the PBA, and I think connected din iyan sa Asian reinforcements ng liga,” ani Gregorio. “They say there are more than 500,000 Koreans in the Philippines. Maglagay ka ng isang Koreano sa PBA, eh di may rason na sila manuod ng PBA, then pag nanuod na sila ng PBA, di nandiyan na si Samsung, nandiyan na si LG, magi-sponsor na iyan, tapos may Kia pa.”

James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …