Monday , February 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coach Cone sikat din sa Amerika

NAGING bida ang head coach ng Purefoods Star Hotdog na si Tim Cone sa isang artikulong inilabas ng isang sports website sa Amerika tungkol sa kanyang pagiging hasa sa triangle offense.

Sa nasabing artikulo, sinabi nina Mike Prada at Doug Eberhardt ng SBNation na si Cone ay ang “world’s foremost apostle” ng triangle offense na una niyang ginamit sa Alaska at ngayon ay sa Purefoods kung saan dinala niya ang Hotshots sa Grand Slam noong  huling PBA season.

“The world’s foremost apostle for the Triangle offense does not coach in the NBA. He doesn’t coach in college or American high school, either. He doesn’t coach in the United States at all,” sulat nina Prada and Eberhardt. “His name is Tim Cone.”

Sa nasabi ring artikulo ay binanggit ni Cone na inalam niya ang triangle offense dahil sa kanyang panonood ng mga laro ng Chicago Bulls ni Michael Jordan kung saan si coach Phil Jackson ang unang gumamit ng nasabing opensa.

“I went full bore on the offense in 1993, but unfortunately, I was teaching it at the same time I was learning it,” ani Cone. “It was our worst year ever. But the next year, 1994, was our best year ever. I’ve been running the triangle ever since.”

Ayon din sa artikulo nina Prada at Eberhardt, hindi gaanong ginagamit ang triangle offense sa NBA kahit naging matagumpay ang paggamit nito ng Bulls na nagwagi ng anim na korona sa liga sa pangunguna nina Jordan.

James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Manila Hustle 3x3 Basketball

Manila Hustle 3×3 pinalakas patungo sa LA 2028 Olympics

NAGNINGAS ang aksiyon ng mga elite women dribblers sa SM Mall of Asia Music Hall …

Riannah Coleman Titus Sia AOSI Swim

Coleman, Titus, nangibabaw sa AOSI Long Course Swimming Championships

HUMATAW ang mga Batang Pinoy swimmers, sa pangunguna ng pambansang junior standout na si Riannah …

Wooyoung Cho Asian Tour PGC

Cho ng Korea kampeon sa PSC-backed PH Golf Championship

MATAPOS ang dalawang taon, sa wakas ay naging Asian Tour champion si Wooyoung Cho ng …

Bambol Tolentino POC

Tolentino naniniwalang PH sa Winter Olympics  “Walang imposible!”

MALINAW ang pananaw si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino habang nagpapadala ang …

2025 World Slasher Cup

5 entries wagi sa 2025 World Slasher Cup 1

MATAPOS ang mahigpit na bakbakan, limang entries ang umangat sa naganap na prestihiyosong 9-cock derby …