Saturday , December 28 2024

Mayabang na driver binaril

SUGATAN ang isang tricycle driver makaraan barilin ng kalugar dahil sa kayabangan ng biktima habang sila ay nag-kukwentohan kahapon ng umaga sa Malabon City.

Kinilala ang biktimang si Hermino Prado, Jr., 34, residente ng #19 Lingkod ng Nayon, Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod, isinugod sa Pagamutang Lungsod ng Malabon.

Habang nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police ang suspek na si Danilo Cerano, nasa hustong gulang, ng P. Concepcion St., Brgy. Tugatog.

Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, naganap ang insidente dakong 8 a.m. sa Tumariz St., Brgy. Tugatog, Malabon City.

Nagkukwentohan ang dalawa nang mayabangan ang suspek sa biktima.

Bunsod nito, binunot ng suspek ang kanyang baril at pinaputukan si Prado.

Bagama’t sugatan, mabilis na nakahingi ng tulong ang biktima sa Police Community Precinct (PCP) 4 ng Malabon City Police at naaresto ang suspek.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *