Monday , November 18 2024

Korporasyong ‘dummy’ ginamit rin ni Senator Bong Revilla?

HINDI lang pala si Vice President Jejomar Binay ang naiisyuhan ng paggamit sa korporasyong dummy.

Maging ang Senador na nakakulong ngayon dahil sa pagkakasangkot sa P10-bilyon pork barrel scam ay gumamit din umano ng korporasyong dummy upang itago o mailusot ang pangungurakot.

Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), gumamit ng dummy corporation si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., para doon i-channel ang kanyang kickbacks mula kay Janet Lim-Napoles.

Sa cross-examination sa bail petition ni Revilla sa Sandiganbayan, kinompirma ni Atty. Leigh Von Santos na hindi gumamit ng aliases sa kanyang bank accounts ang senador.

Ngunit makaraan busisiin ang ginamit na Nature Concepts Development and Realty Corporation, nabatid na pag-aari rin ng asawa niyang si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla ang nasabing kompanya.

Natuklasan na walang lehitimong negosyo ang korporasyon, bagay na lalo pang nagbigay ng negatibong impresyon sa mga imbestigador.

Sinasabing nagkaroon ng kabuuang P27 million deposito sa account ni Congw. Mercado-Revilla sa loob lamang ng isang buwan.

Naku, sasabit rin pala d’yan si Congw. Lani pag nagkataon!?

Habang umaabot sa kabuuang P87 million ang naipondo sa lahat ng iniimbestigahang bank account ng pamilya Revilla.

Ayon sa Senador, isang lehitimong realty corporation ang kinukwestyon at kaya nila itong patunayan.

Sinabi naman ni Atty. Joel Bodegon, may pagkakataon sila para baliktarin ang naturang mga pahayag ng AMLC at doon nila iisa-isahin ang kanilang mga kasagutan.

Sa ganang atin, ang kaso ni Senator Bong ay nakasalang na sa Sandiganbayan. Nasa proper venue na sila at doon hihimayain ang mga ebidensiyang pwedeng magdiin o mag-abswelto sa kasong kinasasangkutan nila nina Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, nina Gigi Reyes at Napoles.

Ito ‘yung sinasabing institutionalized na ang korupsiyon.

Kung tutuusin, sa Security and Exchange Commission (SEC)  at Bureau of Internal Revenue (BIR) pa lang ay mabibisto na kung ang isang kompanya ay dummy lamang at hindi totoong may ope-rasyon.

Pero dahil talamak na ang korupsiyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kailangan munang sumampa sa korte ang mga kaso para doon mabusisi ang katotohanan.

Tsk tsk tsk …

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *