Aries (April 18-May 13) Kailangan mong harapin ang bagay na bago at mapangahas – subukan kung makakaya mo ito.
Taurus (May 13-June 21) Ang nararamdaman mong kakaiba sa ilang bagay ay tama – kaya kailangan mo itong agad na aksyonan.
Gemini (June 21-July 20) Madali lamang para sa iyo na mapabago ang isip ng mga tao. Ang iyo mang opinyon ay nagagawa mo ring baguhin.
Cancer (July 20-Aug. 10) Kung kailangan mong kombinsihin ang isang tao ngayon, puntiryahin ang kanyang ulo imbes na ang puso.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kailangan mong sumabay sa agos ngayon – at ito ay makakaya mo.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kailangan mong mabatid kung ano ang bagong estratehiya ngayon.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong social IQ ay mataas ngayon – pakinabangan ito.
Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring magkaroon ng iringan sa isang miyembro ng pamilya, ngunit huwag mag-aalala, agad din itong maaayos.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Kailangan mong higit pang makipagkonekta ngayon – at magagawa mo ito sa pamamagitan ng iyong social energy.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang iyong pananalapi ang magiging isyu ngayon, kaya tiyaking mapagtutuunan ito ng pansin.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang iyong mental energy ay perpekto sa okasyon ngayon – ano man ito.
Pisces (March 11-April 18) Mistula kang namumuhay sa nakaraan ngayon – ngunit okay lamang. Nakatuon naman ang iyong isip sa mga posibilidad sa hinaharap.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mainam ang pag-iisip ng posibleng mga oportunidad at magsumikap na ito ay matupad.
Lady Dee