PINASOK at hinoldap ng nag-iisang holdaper na nagkunwa-ring kustomer at tinangay ang tinatayang aabot sa P25,000 kita ng LBC kahapon ng umaga sa Quezon City.
Sa ulat ng Quezon City Police District Kamuning Police Station 10, ang hinoldap na LBC ay matatagpuan sa Kamuning Road, corner T. Gener, Brgy. Kamuning sa lungsod.
Ayon kay Mark Anthony Constantino, 30, customer associate ng LBC, dakong 6:35 a.m. nang pasukin ang LBC ng suspek.
Dahil 7 a.m. pa ang bukas nito, pinaupo muna ni Constantino ang suspek sa cutomer’s area, saka siya bumalik sa loob ng opisina para kumuha ng pa-malit na pera.
Nang bubuksan na ni Constantino ang cash box, biglang sumunod ang suspek sa kanya at tinutukan siya ng baril sabay deklara ng holdap at kinuha ng pera.
Nang makuha ang pakay ay sumibat ang suspek sakay ng isang motorsiklo palayo sa lugar.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nasabing insidente.
Almar Danguilan