PATAY ang dating bodyguard ng isang mayor, at kasalukuyang collector sa pantalan makaraan tambangan ng dalawang hindi nakilalang binatilyo habang sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo kahapon ng umaga sa Malabon City.
Agad binawian ng buhay ang biktimang si Alejandro Aquino, 50, dating bodyguard nang namayapang mayor ng Malabon na si Tito Oreta, at residente ng Liwayway St., Brgy. Bayan-Bayanan ng nasabing lungsod, tinamaan ng bala ng kalibre .45 sa ulo at katawan.
Bago tumakas ay tinangay ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman nang mala-king halaga ng pera at personal na baril ni Aquino.
Rommel Sales