Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinto at bintana naging regalo

00 PanaginipGud pm sir H,
S panagnip ko po, nghahanap ako ng pinto o bintana, pero d ko mkita, ang nahanap ko po ay regalo, wat kya interpretation nio d2? Ako c kit from pasay city, Ty po, wag nio n lang sna lgay cell # ko po..

To Kit,
Ang pinto sa panaginip ay may kaugnayan sa mga bagong oportunidad na maaaring dumating sa iyo. Ito ay posibleng nagsasabi, lalo na kung papasok ka sa pinto, na ikaw ay nasa bagong stage ng iyong buhay at umaangat ka sa isang level ng consciousness. Ang bukas na pinto ay nagsasaad din ng receptiveness at willingness upang tanggapin ang mga bagong idea. Kung may nakitang liwanag sa likod ng pinto, nagsasabi ito ng pagtungo sa mas maliwanag na kamalayan at ispiritwalidad. Kung sarado naman ang pinto, may kaugnayan ito sa mga pagkakataon na na-deny sa iyo o na-miss mo dahil mayroong bagay o tao na hinaharang ang iyong pag-unlad. Kaya dapat kang maging alisto at mag-ingat sa ganitong klase ng tao.
Ang ukol sa bintana, ito’y may kaugnayan sa bright hopes, vast possibilities and insight. Maaaring may kaugnayan din ito sa outlook sa buhay, pati na ang ukol sa intuition and awareness. Posibleng hinggil din ang ganitong bungang-tulog sa hinahanap na mahalagang desisyon o soul searching.
Kapag nanaginip ng regalo para sa iyo, ito ay nagsasabi na ikaw ay binibigyan ng reward at pagkilala dahil sa iyong magagandang katangian. Ikaw ay tinitingala ng mga nakapaligid o malalapit sa iyo. Sakali namang nakatanggap ka ng regalong hindi angkop sa iyo, ito ay nagsasaaad na hindi ka welcome sa ibang tao, lalo na sa nagbigay ng regalo at ang hindi magandang katangian ay mae-expose. Maaari rin namang may kaugnayan ito sa unexpected failure.
Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …