TAYO ay naninirahan sa global economy, at para sa maraming negosyo, ang videoconferencing ay nakatutulong para sa pagtutulay sa pagitan sa ating mga kalapit-bansa. At sa kasalukuyan, mahalagang magdesinyo ng corporate boardroom na magpaparami ng iyong mga oportunidad, magsusulong ng positibong pagdaloy ng chi, at hihikayat ng tagumpay sa negosyo.
Narito ang ilang Feng Shui tips na makatutulong sa iyo sa pagbuo nang mas mainam na boardroom para sa iyong negosyo.
*Pumili nang maingat ng lokasyon ng iyong conference room – Ang conference rooms ay dapat hindi malapit sa hagdanan, elevators o bathrooms, at hindi ito ang dapat na unang makikita sa iyong pagpasok sa office building.
*Tiyaking ang kwarto ay sapat ang laki – Ang kwarto ay dapat komportable para sa malaki, bilog o oval table at maluwag upang mayroon pang espasyo sa likod ng mga silya. Maaaring gamitin ang mga salamin upang visually ay mapaluwag ang maliit na kwarto.
*Ang executive o meeting head ay dapat nasa command position, na ang view ng pintuan ay hindi dapat direktang nakalinya sa pintuan, mula sa head of the table.
*Iwasan ang sharp corners at angles ng dingding o furniture, upang maitaboy ang “killing” (sha) chi na magdudulot ng problema sa kalusugan, magpapabawas sa pagiging produktibo at magdudulot ng kamalasan. Ilang points ang maaaring mapahupa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga halaman sa harap o sa ibabaw ng mesa.
*I-upgrade ang teknolohiya. Ang nakalabas na wires, sirang equipment o lumang teknolohiya na matagal nang nagamit ay maaaring makapagpabawas sa pagiging produktibo habang ito ay naghahatid ng mensaheng ang negosyo ay nahihirapan at hindi na bubuti pa. Ikonsidera ang pagbili ng bagong equipment, na nakatago ang wires upang mabawasan ang electronic clutter. Bagama’t ang conference room ay maaaring mayroong visible technology, ikonsidera ang paggamit ng equipment cabinets upang maitabi ang equipment kapag hindi ginagamit, dahil ang electronics ay naglalabas ng extensive life energy na makahahadlang sa pag-focus, magdudulot ng distraksyon at magpapabagal sa decision-making.