Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Altas may bagong armas

LAGLAG balikat si Perpetual Help Altas forward Earl Scottie Thompson dahil hilahod sila sa four-time defending champion San Beda College Red Lions, 75-81 sa semifinals ng 90th NCAA basketball tournament noong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Pero madali naman itong naka-move on dahil alam niyang mas lalakas ang kanilang koponan kahit hindi na nila makakasama sa susunod na season ang kanilang senior players na sina Harold Arboleda, Juneric Baloria, Justine Alano at Joel Jolangcob.
“It sad that we lost in the Final Four this year,” wika ni 21-year-old Thompson. “But we’re moving on and I’m looking forward to trying to win the NCAA championship again next year,”

Ang dahilan ng mabilis na recovery ng nangunguna sa MVP race na si Thompson ay sa susunod na taon, ipaparada ng Altas ang kanilang dalawang Nigerian imports Akhueti Bright at Eze Prince.

Sina 6-foot-7 Bright at 6’11 Prince ang tumulong sa Perpetual na angknin ang titulo sa Fr. Martin Summer Cup noong Hunyo.

Si Bright ay naglalaro sa wings, kayang sumalaksak at may outside shooting pa ito habang si Prince ay halimaw lumaro sa ilalim.

“There is no doubt that they (Bright, Prince) are strong players and will be important in our campaign,” saad ni Perpetual coach Aric del Rosario. “I’m just hoping they can blend well with Scottie (Thompson) and my local players.”

Pinuri naman ni Del Rosario ang kanyang mga bataan dahil lumaban sila ng pukpukan kahit maliit ang kanilang line up.
“We’re really small this year because we don’t have imports. Next year, it we’ll get bigger, which I’m hoping will us go farther than the Final Four,” pahayag ni del Rosario, na dinala ang koponan sa Final Four sa huling tatlong taon at natalo sila lahat sa San Beda.
Pinasalamatan naman ni Del Rosario dahil kanilang kagitingan sa huling paglalaro para sa Perpetual sina Arboleda at Baloria na umaasang makakapirma ng kontrata sa NLEX na pumili sa kanila sa PBA draft at Jolangcob at Alano na pinupuntirya na makalaro sa D-League.

Arabela Princess Dawa

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …