CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga —Isang pitong taong gulang na batang babae na sinasabing nakulam ng isang mambabarang sa Candaba, Pampanga ang napagaling ng bantog na si Madam Maria “Minnie” Credo, psychic, na tinaguriang “Spiritual Healer” ng kanyang mga kababayan sa Brgy. Cabambangan, San Vicente, Apalit, Pampanga.
Sa labis na katuwaan ni Aling Josephene Alabado, may asawa at dalawang anak na babae, tubong-Candaba, Pampanga, matapos mapagaling ni Madam Minnie Credo ang kanyang anak ay pina-Feng Shui na rin niya kay Madam Minnie Credo ang kanyang bagong ipinagawang bahay sa Ciudad De Hizon Subdivision, City of San Fernando, Pampanga.
Ayon kay Aling Josephene, sa kanyang paghahanap ng makapagpapagaling sa kanyang anak ay nabasa niya ang pangalan ni Madam Minnie Credo, sa Clark, Pampanga na mahusay magpagaling ng iba’t ibang karamdaman kaya hindi siya nagdalawang isip na tawagan sa kanyang CP (0929 2013 740), (0918 2067 266), (0936 639 3481), ang “Spiritual Healer” upang ipagamot ang kanyang bunsong anak na babaeng may sakit na si Kurt Alabado, 7 taong gulang, ngayon ay masaya na at nakapaglalaro na ang bata, matapos makulam ng isang mambabarang sa kanilang bayan sa Candaba, Pampanga. (Leony Arevalo)