Friday , December 27 2024

Estudyante binaunan ng bala sa ulo  

083014 gun manila ncr

PATAY ang isang estudyante makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek na nakasabay lamang niya sa pampasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Our Lady of Lourdes Hospital ang biktimang si Nicole Jan Macaranas, 17, estudyante ng Caloocan High School at residente ng #14 Victory St., Vista Verde Subdivision, Brgy. 165 ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.

Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa ulat ni PO3 Gomer Mappala, dakong 4:30 a.m. nang maganap ang insidente sa General Luis St. ng nasabing barangay.

Sakay ang biktima ng pampasaherong jeep (CWM-800) na minamaneho ni Rodrigo Penollar, 35, ng Valenzuela City.

Tinabihan ng suspek ang biktima at dalawang beses na pinaputukan nang malapitan sa ulo bago mabilis na tumakas.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa nasabing insidente. (ROMMEL SALES)

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *