Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Date ni Kris at Derek kinondena ng misis (Presidential influence ginagamit)

101614 kris derek Mary Christine Jolly

KINONDENA ni Mary Christine Jolly-Ramsay, asawa ng actor na si Derek Ramsay ang umano’y pakikipag-date ng huli sa presidential sister na si Kris Aquino na napanood pa sa isang television program.

Ayon kina Mary Christine at abogadong si Atty. Argee Guevarra ang pagde-date ng dalawa ay indikasyon umano na hindi natatakot ang actor sa kasong kanyang kinakahap at pagiging ‘untouchable.’ Si Derek ay sinampahan ng concubinage at anti-violence against women and children sa Makati at Parañaque courts.

“Derek Ramsay seeks to convey the message to my client, and insinuate even to Justice Secretary Leila de Lima and to the Parañaque Prosecutor’s Office that he is ‘untouchable’ and he is ‘above the law’ since he is dating the sister of the most powerful man in the country today,” ani Guevarra in an impromptu press briefing.

Sinabi ni Guevarra, malaki ang naging epekto ng nasabing video sa anak ni Derek na si Austin,11 na kasalukuyang nasa bansa. Sa katunayan umano sobrang iyak ng bata nang mapanood sa TV at makitang magkasama si Kris at Derek.

Nagpahayag umano ng sama ng loob at pagtataka ang bata kung bakit ibang babae ang kasama ng ama imbes na kanyang ina.

Binalaan ni Guevarra si Derek na maaaring gamiting ebidensiya ang video ng pagde-date nina Kris at Derek sa pagsasampa ng kasong Anti-violence case against women and their children.

Idinagdag ng abogado na psychological abuse para sa mga bata ang ipinakita sa video, hindi lamang kay Mary Christine at kay Austin kundi maging sa publiko na hindi umano ikinahihiya ang pambabae at panloloko. (HNT)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …