NAG-ALOK ng P50,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Caloocan para mahuli ang suspek sa panghoholdap sa 12- anyos batang tindero ng pandesal.
Ang video ng bata na nanginginig pa sa takot ay ini-upload sa YouTube at naging viral.
Magugunitang inilabas na ng Caloocan City police ang CCTV footage ng naturang suspek na nag-eedad 18 hanggang 20 anyos habang papalayo sa crime scene.
Positibong tinuro ng bata ang suspek na siyang tumutok sa kanya ng kutsilyo at pwersahang tinangay ang P200 kita sa pagtitinda ng pandesal.