Tuesday , December 10 2024

Makaahon pa kaya si BInay?

00 BANAT alvinGrabe ang ginawang paggiba ng mga nag-aambisyong maging pangulo ng bansa kay VP Jojo Binay, na maaga ring nag-deklara ng kanyang intensyon na lumahok sa halalang pampanguluhan sa 2016.

Marami tuloy ang nagtatanong kung kaya pa kayang makaahon ni Binay sa sunod-sunod na dagok sa kanyang buhay na maituturing na rin siguro niyang pinakamabigat na pagsubok at hamon sa kanyang karerang pulitikal?

Hindi rin kasi masasabing ang kinasasadlakang unos ngayon ni Binay ay magtatapos o patapos na dahil nagsisimula pa lamang ang gibaan sa 2016 na kung saan si Binay ang nasa tuktok ng labanan.

Maging ang kaalyado ni Binay ay balita nating nagkakaroon na nang pagdadalawang isip sa pagtakbo ni Binay sa pampanguluhang labanan dahil malinaw sa mga nakaka-intindi sa pulitika na kapag ang tao ay bumubaba na sa survey ay ang trend talaga nito ay magpatuloy ang pagbulusok paibaba.

Napag-alaman din natin na ang mga miyembro ng Kamara na nangakong lilipat sa kampo ni Binay ay nag-aalumpihit na ring lumipat dahil posible rin silang madamay sa pagbagsak ng rating ng pangalawang pangulo.

Bukod sa mga mambabatas na nangako nang suporta at lilipat kay Binay, hindi na rin lumalantad sa ngayon ang mga lokal na pulitiko nauna na ring nag-commit sa pangalawang pangulo ng suporta.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na ginawa nitong ikalawang linggo ng Setyembre, bumagsak ng 15 percent ang approval rating ng pangalawang pangulo na kung saan nakakuha ito ng 66 percent mula sa dating 81 percent.

Matindi ang pinagdadaanan ngayon ni Binay sa kasalukuyan dahil ang itinanim niyang halos 30 taon sa daigdig ng pulitika ay posibleng maglahong parang bula kapag hindi nag-iba ang ihip ng hangin na mahirap mangyari sa ngayon dahil desidido ang tandem nina Senadora Alan Cayetano at Antonio Trillanes, na ipagpatuloy ang imbestigasyon maging ito man ay masasabi nating “in aid of legislation” o in aid of demolition.

Tiyak na marami pang dagok ang dadating sa pamilya Binay at ito ang dapat nilang pinaghandaan noon pa dahil kakaiba talaga ang pulitika sa bansa, magmula nang dumating ang mga pangalang Aquino, Cayetano at Trillanes.

 

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *