Saturday , December 14 2024

Mag-ingat sa pandaraya sa Western Union

00 firing line robert roque

HINDI lahat ng money transfer o remittance centers ay puwedeng pagtiwalaan, at natuklasan ito ng isang negosyanteng Jordanian na naninirahan ngayon sa Pilipinas at direktor ng Lions Club of Manila Sampaloc.

Si Ali Katanani ay dapat nakatanggap ng halagang $5,000 at $1,250 na ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng Western Union noong Hunyo 26, 2014 ni Lito Lajara, isang kasamahan niya sa negosyo sa Saudi Arabia.

Gayunman, nang magtuloy siya sa sangay ng Western Union sa Robinson’s Place Manila tatlong araw makalipas ang petsa ng pagpapadala para makuha ang kanyang pera, nagulantang si Katanani nang malamang may nauna nang nag-claim sa kanyang mga remittance.

Kinuwestyon ni Katanani ang empleyado ng Western Union sa Robinson’s at hinanapan ng katibayan na magpapatunay na may nag-claim sa kanyang mga remittance, pero wala itong naiprisinta dahil naganap daw ang bayaran sa ibang sangay.

Tinawagan ng Jordanian ang Western Union hotline na nagpayong maghintay siya ng 20 araw habang iniimbestigahan ang nangyari. Pero makalipas ang 20 araw ay muli niyang tinawagan ang Western Union hotline at natuklasang walang gumawa ng report sa naganap. Patuloy siyang tumawag sa hotline at pinayuhang maghintay nang paullit-ulit.

Makalipas ang 45 araw ay sinabihan si Katanani na tawagan ang kanyang kaibigan at payuhan itong magsampa ng reklamo sa Saudi Arabia. Sinunod ito ni Lajara pero sinabihan siya ng bangko makalipas ang ilang pagbisita na binayaran ng Western Union sa Pilipinas ang dalawang remittances sa dapat makatanggap nito.

Si Katanani ang tinutukoy na dapat makatanggap nito pero sumusumpa ang Jordanian na wala siyang natanggap kahit isang kusing mula sa dalawang remittances na umaabot sa $6,250.

Maliwanag na may mali rito at may taga-Western Union na gustong mangdaya kay Katanani, na marahil ay naghihintay na sumuko siya sa paghahabol.

Kung igigiit ng mga taga-Western Union na may nakapag-claim na sa mga remittance, dapat magpakita sila ng katibayan tulad ng identification card ng tao na nakatanggap ng pera bilang suporta sa kanilang sinasabi.

Ang pagkakaroon ng pangalan sa industriya at mga sangay sa buong mundo na tulad ng Western Union ay hindi garantiya na ligtas ang pera ng kostumer.

Naaalala ko tuloy ang ating salawikain na “Sa bawa’t gubat ay may ahas”. Sa isang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ay tiyak na lalabas ang mga “ahas” sa kanilang mga empleyado. Dapat suportahan ito ng mga boss ng Western Union kaysa umani sila ng galit ng mga kostumer na naloko sa pera na tulad ni Katanani.

Gaano karaming tao na kaya ang nakaranas ng katulad na kapalaran pero piniling manahimik, sa halip na dumaan sa masalimuot na proseso ng pagsasampa ng kaso? Hindi ba panahon na para tumayo laban sa lahat ng klase ng manunuba at manloloko?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

 

Robert B. Roque, Jr.

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *