HINDI tayo natutuwa sa naging promosyon ng isang dating Immigration Officer 1 (IO1) na nasangkot sa iba’t ibang anomalya sa Immigration Cebu Mactan airport.
Ang nasabing IO1 ay isa na ngayong IO2.
Noong IO1 pa si IO2, nasangkot ang kanyang pangalan sa pagpapalusot ng mga Bombay sa Cebu International Airport.
Nalaman ang nasabing ‘palusot’ dahil na-traced sa kanyang ‘tatak’ (Immigration stamp).
Maraming nagreklamo laban sa nasabing IO dahil sa nasabing insidente.
Pero imbes maindulto, aba na-promote pa pala bilang IO2 at nailipat sa Iloilo Airport. Dito po sa airport na ito ay may direct flight na Iloilo to Singapore and vice versa.
Kapuna-puna na maraming kaso ng pasahero ang na-airport-to airport o ‘yung mga ‘tatalon’ papuntang Lebanon at ang tatak ay sinasabing sa kanya naman.
Aba, Iloilo Airport Immigration Supervisor chief, Noel B. Angeles, bakit maraming kaso na-A-to-A kapag umaalis d’yan sa airport ninyo!?
Hindi ka ba nakahahalata?!
O napapalusutan ka ng mga bataan mo d’yan?
Mukhang mayroong milagro na naitatago sa inyo d’yan?
Paki-tanong mo nga kay, IO1 Ariel Reyes?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com