Wednesday , December 25 2024

Malalang kapabayaan sa Filipino athletes dapat nang harapin ni PNoy

00 Bulabugin jerry yap jsyKUNG gusto ng katubusan ni Pangulong Benigno “NOYNOY” Aquino III sa mga mamamayang desmayado sa kanya, palagay ko’y malaking pagbawi kung haharapin niya ang talamak na problema sa Philippine sports.

Ang dami nating magagaling na athletes sa bansa. Pero hindi nasusulit ang galing dahil napapabayaan sila.

Milyon-milyon ang pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Richie Garcia, pero saan napupunta?

Mantakin ninyo, nagkamedalya nga tayo, pero kulelat naman. Kulelat sa Asian Games?!

Parang ang sakit sa ulo n’yan. Ang laki ng pondo pero kulelat?!

Lalo na sa Philippine Olympics Committee (POC) na pinamumunuan ni Unlce Peping. Ang laki ng pondo n’yan pero wala rin tayong binesa kompara sa ibang bansa.

Sa ganang atin, dapat na sigurong panghimasukan ng administrasyon ni PNoy ang lumalalang pagbagsak ng mga athlete natin.

Kung malaking pondo ang inilalaan d’yan pero kulelat lang tayo lagi, e buwagin na ang PSA at POC.

Or better yet, palitan na ang mga kinakalawang na namumuno d’yan.

Pero bago palitan dapat i-audit muna ng Commission on Audit …

Hala nga, subukan nga natin ang galing ni Madam Heidi Mendoza, Madam Grace Pulido-Tan …

Pakibusisi n’yo nga sa team niya ang PSA at POC …

T’yak kakasahan ni Madam Heidi ‘yan!

MIKE REYES BASTOS AT AROGANTENG STAFF NG MAXIM’S HOTEL SA NEWPORT PASAY

ABA e nagulat naman tayo sa inasal ng isang staff ng Maxim’s Hotel d’yan sa Newport Blvd., Newport City, Pasay.

Aba e naturingang 6-star hotel ‘yang Maxim’s e nakapag-empleo sila ng isang bastos at aroganteng staff?!

Hindi lang pala ‘yung nagreklamo sa inyong lingkod ang nakaranas ng kabulastugan niyang si Mike Reyes.

Marami nang nagreklamo laban sa kanya pero patuloy ang kanyang pagmamatigas at kaangasan na para bang siya ang may-ari ng Maxim’s.

Isang VIP player ang lumapit sa counter para kunin ang susi ng kwarto niya. Pero sinabi ng receptionist na check-out na raw ang nasabing kwarto.

Ang nagyari, napilitan tuloy magbayad on his personal account ‘yung VIP player kaya tinanong niya ulit ‘yung receptionist kung bakit na-checkout na.

Sa unang tanong hindi sumagot ang babaeng receptionist. Sa ikalawa at ikatlong tanong, ganoon pa rin

Sa ikaapat na tanong biglang sumagot ‘yung Mike Reyes. Kaya sinabi no’ng VIP player, bakit siya sumasagot, ‘e hindi naman siya ang kausap.

Aba ‘e walang kagatol-gatol na rumepeke ‘yung bastos at aroganteng Mike Reyes …

Mukhang hindi naiintindihan ni Reyes ang no. 1 rule sa negosyo … “Customer is always right.”

Napag-alaman din ng VIP player, na marami na palang reklamo laban kay Perez dahil sa kanyang magaspang na pag-uugali.

Paging Maxim’s management, disiplinahin ninyo ang bastos at aroganteng si Mike Reyes!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *