BUTUAN CITY – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ng Surigao City ang pagpatay sa dating city councilor sa loob ng cockpit arena ng naturang lungsod dakong 3 p.m. kamakalawa.
Ang biktimang si Constante “Tante” Elumba, 58, dating kapitan ng Brgy. Togbongon at dating presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) noong taon 2007 hanggang 2010, ay naglalakad sa loob ng Pyramid Cockpit Arena nang barilin ng isang hindi nakilalang lalaki sa likurang bahagi ng kanyang ulo at katawan.
Isinugod siya sa Surigao Medical Center ngunit nalagutan ng hininga habang nasa loob ng intensive care unit.