ITO ngayon ang kumakalat sa hanay ng maliliit na pulis.
Ang senate investigation umano kay PNP chief DG Alan Purisima dahil sa kanyang misdeclared Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ay smear campaign na inilalarga ng gambling lords?!
Wee … hindi nga?
Aba kung totoo ‘yan, aba e grabe naman ‘yang gambling lords na ‘yan?!
E sa buong panahon yata ng mga operasyon nila ‘e sa termino ni DG Purisima lang nila naranasan ang napakaluwag na operasyon ng iba’t ibang klase ng sugal ultimo sugal-lupa.
Nariyan ang STL-Jueteng, bookies, video karera at ultimo perya-sugalan ay namamayagpag kahit saang sulok ng bansa ka man pumunta.
‘Yan pa ba ‘yung sinasabing tinatrabaho ng gambling lords si DG Purisima?!
Itanong nga ninyo kina alyas Pineda, Bolok, Joy at Bongaling kung talagang pinahirapan sila ni Purisima kaya nagsusulong sila ngayon ng smear campaign?!
E baka bigla pang sumagot ‘yang mga ‘yan ng … “Tell that to the Marines!”
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com