Friday , November 15 2024

Pahalagahan natin ang mga guro

00 joy to the world ligaya

Seek the Lord while he may be found; call on him while he is near. —Isaiah 55:6

GINUNITA kahapon ang ika-20 taon ng selebrasyon ng World Teachers’ Day. Buong mundo ay nagdiriwang para sa pagpupugay sa mga guro na kinilala natin bilang pangalawang magulang sa ating mga paaralan.

Ang UNESCO ang nanguna sa pagdiriwang ngayon na may tema: “Teachers are an investment for the future of our countries.” Nilalayon na mamuhunan sa paglalagay ng mga guro ang bawa’t bansa upang matugunan ang problema sa edukasyon.

***

GANITO pinatunayan ng isang public school teacher na nagtapos sa Ateneo de Manila University, subalit, mas pinili ang magturo sa Public School.

Sikat ngayon sa mga social media ang guro si Sabrina Ongkiko o Teacher Sab ng Culiat Elementary School na mas ginugol ang propesyon sa pagtuturo sa mga mahihirap na estudyante at naging idolo ng mga kabataan.

Para sa kanya, ito ang return of investment!

250 YOUTH, NO READ, NO WRITE

LUMALABAS ngayon na may kakulangan ng guro sa buong mundo na umaabot sa 1.4 million, samantalang may 250 kabataan ang kinakailangan na turuan magbasa at sumulat.

Sa Pilipinas, bukod sa kakulangan sa guro, wala pa rin sapat na classroom o paaralan para masolusyunan ang krisis sa edukasyon. Mahalaga ang edukasyon upang maiangat ng bawat Pilipino ang kanilang antas ng pamumuhay.

***

PAYO ng inyong Lingkod sa mga kabataan ngayon, magsumikap kayo sa pag-aaral, dahil nakapasuwerte ninyo may magulang pa kayo na nagtataguyod ng inyong pag-aaral, habang ang iba ay naghahanap pa ng ipantutustos, para lamang makapag-aral.

Kaya habang buhay pa ang inyong mga magulang at malakas pa, samantalahin ninyo ang pagkakataon para makapagtapos, ito lamang ang tanging yaman na maibibigay at kailanman ay hindi mananakaw sa inyo.

INSPIRASYON

NG MGA KABATAAN

GANYAN kasi ang ginawang pagpupursige noon ni Mayor Alfredo Lim na sa kabila na maagang naulila sa kanyang mga magulang ay hindi nawalan ng pag-asa at itinaguyod ang sarili sa pag-aaral.

Nag-shoe shine boy, nagkundoktor sa bus, nagtinda ng pandesal at iba pa trabaho para lamang magkaroon ng baon at makapag-aral.

Tanging puhunan ay sipag at dedikasyon makapagtapos ng pag-aaral!

***

HINDI pa nagpa-awat, kahit nakapaasok na bilang pulis, kumuha pa rin ng ibang kurso gaya ng abogasiya ang masipag na si Mayor rin Lim.

Pinahalagahan ni Mayor Lim ang bawa’t sentimo na iginugol niya sa pag-aaral kaya naman nagbunga ang lahat ng kanyang paghihirap sa buhay.

Kahanga-hanga talaga!

 

KAYA naman mula sa pagiging patrolman, hepe ng pulisya, NBI Director, Mayor, Senador at muntik nang maging Pangulo ng bansa!

Tunay nga isang inspirasyon ang buhay ni Mayor Lim sa lahat. Ito ay nagpapakita lamang na hindi kailanman hadlang ang kahirapan upang hindi mo makamit ang mga pangarap mo sa buhay. Kailangan lamang ang masidhing pagsusumikap upang makamtam ang ninanais mo sa buhay. Sa libro na isinulat ni Nick Joaquin para kay Mayor Lim, inilarawan niya ang mapait, subalit matamis na tagumpay na buhay nito at pinamagatang:

May langit din ang Mahirap!

PAKIKIRAMAY

SA MACAPAGAL FAMILY

LUBOS tayong nakikiramay sa ating kaibigan na si Antonio Macapagal, retired senior reporter ng Manila Standard Today sa pagpanaw ng kanyang kabiyak na si Mrs. Evangelina Manalac-Macapagal o Dimples sa kanyang mga kaibigan. Si Dimples ay namayapa nito lamang Sabado ng umaga.

Para sa mga kabigan at kaanak ni Tony, ang labi ni Dimples ay nakahimlay sa kanilang tahanan sa Baras, Rizal. Muli nakikiramay ang inyong abang Lingkod sa pamilyang Macapagal.

May you rest in peace!

 

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes

 

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *