DALAWANG empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang nabuking at nasakote ng BI-TCEU (Travel Control Enforcement Unit) NAIA T-3 sa kanilang ‘pamamasahero’ or in legal term, human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Supposedly, itong sina Immigration Officer (IO) GERVACIO at Intel confidential agent (CA) KIMPO ay may tungkulin na sugpuin ang human trafficking sa pamamagitan ng kanilang mga opisyal na trabaho sa BI.
Pero baliktad ang nangyari. Sila mismo ang naging instrumento para ‘makalusot o mapalusot’ ang human traffickers.
Nabuko ito nang isang offloaded na pasahero ang dumaan ulit kay IO Gervacio.
At para hindi mabukayo, may isang kasabwat pa na taga-IT na hindi ini-encode ang offloaded passenger sa system.
Dumaan lang kunwari kay Gervacio pero hindi rin ini-encode sa system.
Para lubusang makalusot, kailangan ni IO Gervacio ng kasangga gaya nga ni Intel CA Kimpo.
‘E nabuking ng Travel Control Enforcement Unit (TCEU) dahil nang sitahin at tingnan ang passport ng pasahero, peke ang Immigration stamp.
O ‘di ba magaling sila?!
Hindi pa d’yan natatapos ang kahusayan ng tandem na Gervacio at Kimpo.
‘Yun na, pinapila pa na parang normal passenger ang kanilang mga palulusutin.
Pero pagdating sa immigration counter – automatic, go nang walang encoding. Para magmukhang synchronize, ite-check pa kunwari ni Kimpo ang passport saka dederetso na sa boarding gate.
‘Yun nga lang … nasilat sila ng TCEU!
Buking na buking ang matagal nang lihim at raket ng magkakontsabang sina Gervacio at Kimpo.
Akala kasi ng dalawang kamote, everyday happy sila sa kanilang masamang gawain.
Swak sila ngayon!
Si Gervacio ay ipinatapon agad sa Batuganding at si Kimpo naman ay goodbye (terminated) na sa bureau base sa order ni BI Comm. Fred Mison!
Again, binabati natin ang BI-TCEU T3 for a job well done!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com