Monday , November 18 2024

PPA at Customs pala ang salarin sa port congestion

00 pulis joey

ANGAL nang angal itong Philippine Ports Authority (PPA) at Bureau of Customs (BoC) sa nangyayaring port congestion o pagsisikip ng mga container sa mga Pier sa Maynila, yun pala ay sila rin ang dahilan ng problemang ito.

Pinagkikitaan pa pala ng mga tarantado’t gago ang port congestion! Kinokotongan nila ang truckers!

Mabuti’t nakarating na ang nangyayaring kotongan na ito sa Malakanyang at sana’y maaksiyunan agad – matanggal ang mga salarin sa port congestion sa mga pier sa Maynila.

Dapat siguro ay pulungin ng taga-Malakanyang ang mga grupo ng truckers para makakuha pa sila ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa kawalanghiyaan ng mga awtoridad sa pier.

Dahil sabi ng grupo ng Aduana truckers ay napakarami nilang binabayaran sa Customs at sa PPA, bukod pa sa mga kotong ng mga pulis paglabas ng pier.

Dapat maalis na ang ganitong sistema, Pangulong Noynoy Aquino!

Dahil sa totoo lang, simula nang maupo si PNoy at magpalit ng mga opisyal sa Customs at PPA ay wala paring nangyayaring pagbabago. Ang tindi parin ng kotongan! Mga bwisit!

 

Demandahan ng barangay officials ng Brgy. 55 Z-4,

District 1, Tondo

– Nagsadya sa aking tanggapan si Barangay Chairman Romano Santos ng Brgy. 55 Zone 4, District 1, Tondo, Manila upang magpaliwanag naman tungkol sa pagkaka-diario sa kanya (hindi sa Police Files TONITE) noong Sept. 29 na kung saan ay kinasuhan siya ng kanyang Brgy. Kagawad na si Edwin Buison dahil umano sa ‘obstruction of justice’ sa Manila Police District-General Assignment and Invstigation Section (GAIS).

Nagsimula raw ang lahat nitong nakalipas na Sept. 27, bandang 10:00am ay nagkasagutan sina Kag. Buison at Kag. Victor Gueverra sa kanilang Brgy. Hall dahil daw sa hindi pagkakaintindihan sa nangyaring gift giving sa senior citizens na isinagawa ni Cong. Atong Asilo.

Sa gitna ng pagsasagutan, nakita raw ni Buison na may hawak na kutsilyo si Kag. Guevarra at nakita rin ang kapatid nitong babae na si Jojie na may hawak na baril na kalibre .38.

Kaya isinama sa demanda ni Kag. Buison si Chairman Santos ay dahil hindi raw nito isinuko sa pulis ang baril ni Jojie pero sa isang Barangay Certification na ipinakita sa akin ni Santos ay isinurender niya ang baril na paltik na .38 pati ang tatlong laman na bala sa imbestigador na si PO2 Lawrence Sagum ng MPD-PS7 dated Sept. 27 bandang 3:30 ng hapon. Pirmado ng pulis ang certification kaya walang obstruction of justice dito.

Anyway, makabubuti na magkabati-bati na kayo dyan, mga pare ko dahil inihalal kayo ng mga residente ninyo para maglingkod sa inyong barangay at hindi ang mag-away-away at magkasuhan sa simpleng bagay. Waste of time yan.

Magdemandahan lang kayo kung may katiwalian na nangyayari sa budget nyo. That’s it. Peace!!!

 

Katiwalian pa sa OTS/DOTC

– Mr. Venancio, nabasa ko sa kolum mo ang tungkol sa katiwalian dito sa OTS/DOTC. Dagdag ko na rin po ang mga kawawang empleyado ng DOC mula pa January to August ay wala pa silang contract. Sila po ay mga casual at contructual. 13 years up to 28 years na ang paninilbihan nila sa DOTC. Sila po ay gagawing J.O or Job Order. Kawawa naman po ang mga matanda na hindi na makalipat ng trabaho. Akala ko ba ang gobierno ang unang tutulong sa mamamayang Filipino? Aba, tila baliktad… parang gusto na ng gobyerno patayin nalang sa gutom. At silang mga opisyal nalang ang mangungurakot sa pondo ng DOTC. Malaking iskandalo po ito. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Concerned DOTC worker

O, DOTC Sec. Jun Abaya, Sir!, anong nangyari sa pamunuan mo? Pati mga empleyado nag-aangalan na. Baka hindi mo pa alam ito? Pls check this complain, Mr. Secretary…Dahil hindi ito naaayon sa ‘tuwid na daan’ ni PNoy.

 

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 

Joey Venancio

 

About hataw tabloid

Check Also

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *