BAGUIO CITY – Selos sa kanyang girlfriend ang sinasabing dahilan kaya sinaksak ng isang boxing trainer ang sarili kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Joven Jorda, 41, boxing trainer, tubong Iloilo, at residente ng La Trinidad, Benguet.
Habang ang kasintahan ng suspek ay si Michelle Diang, 24, isang entertainer, tubong Zamboanga del Sur, at residente ng La Trinidad, Benguet.
Sa imbestigasyon ng La Trinidad Municipal Police Station, naghihinala ang biktima na may kalaguyo ang kanyang nobya kaya nagalit at humantong sa mainitang diskusyon.
Sa tindi ng galit ng biktima, kumuha siya ng kutsilyo at isinaksak sa kanyang tiyan kaya lumabas ang kanyang laman-loob.
Agad humingi ng tulong si Diang kaya nadala ang biktima sa pagamutan.