Thursday , December 26 2024

Uulan ng plunder sa 2016 sa mga nagbulsa ng DAP

00 pulis joey

TATLUMPONG proyekto na pinondohan ng DAP (Disbursement Acceleration Program) na nagkakahalaga ng P29.6 bilyon taxpayers money ang nawawala, sabi ng Commission on Audit.

Ang laking pera nito!!!

Sino-sino ang nagbulsa? Siyempre ang mga inihalal natin tulad ng senador, kongresista, gobernador at mayor na mga dikit kay Presidente Noynoy Aquino.

Sigurado ring nabigyan ang mga miyembro ng gabinete ni PNoy.

Sa ngayong administrasyon, hindi mabibigyan ng hustisya ang paglalaho ng napakalaking pera ni Juan dela Cruz.

Marahil sa pagbaba ni PNoy sa 2016 kasama ng mga co-terminus officials ay doon palang mabubulgar kung sino-sino ang nagbulsa ng ating pera na ipinagkatiwala natin sa kaban ng gobyerno for public services. Ito’y kung ang papalit kay PNoy ay hindi niya kaalyado at kakalkalin ang katiwaliang ito sa DAP.

Ang DAP ay inimbento ni Budget Secretary Butch Abad para raw sa mabilisang pagpagawa sa mga proyekto ng pamahalaan at mapabilis ang pag-unlad ng bansa. Ang pondo ay galing sa mga hindi nagagastos na budget ng bawat government agency. Siyempre lahat ay taxpayers money.

Ang DAP na binuo ni Abad at inaprubahan ni PNoy noong Oktubre 2011 ay kinatay ng Korte Suprema noong Disyembre 2013 nang ideklarang unconstitutional o labag sa batas.

Kaya mga suki, sa 2016 ihalal natin ang kandidato na may malinis na budhi at magpapakulong sa mga nagnakaw ng pera natin. Siya nawa…

Gustong malipol

ang mga tulak/adik

sa San Jose del Monte,

Bulacan

– Gud am po. Sana malipol na ang mga drug pusher at user dito po sa San Jose del Monte, Bulacan. Malaki kasi ang lagay sa mga pulis dito kaya talamak ang droga dito sa Lapoblacion Subd., Brgy. Muzon dito sa UPAO. Wala pong aksyon na ginagawa ang pulisya namin dito. Madaming tricycle driver dito gumagamit mga kulay dilaw. Huwag n’yo po ilathala ang number ko. Salamat. – Concerned citizen

Totoo ito. May info tayong may ilang pulis d’yan sa San Jose del Monte, Bulacan na nagbabagsak at protektor ng droga. Manmanan!!!

Totoo ang sobrang

kahirapan sa CARAGA

– Sir Joey, gud am po. Totoo po ‘yung kahirapan sa CARAGA REGION. Mga magulang at mga kapatid ko halos ‘di makakain nang dalawang beses sa isang araw. Ang hirap ng buhay ‘pag walang-wala. Pero ang mga politiko ang yayaman nila. Sinira na nila mga bundok dahil sa mining. Ang dami na. Kakarampot lang din ang sahod ko rito sa Maynila, hahatian ko pa mga magulang ko. Sana mapansin ‘yan ng national gov’t. Sana iparehas na lang nila ang sahod d’yan sa CARAGA o buong Mindanao na minimum tulad sa Manila ang rate. Kasi wala namang ipinagkaiba ang bilihin doon at dito, parehas lang ang presyo ng pangunahing bilihin. Mga negosyante yumayaman nang todo, pasahod ng manggagawa ang liit. Sana bigyan nila ng pansin. Salamat. – Matt Pegares ng Mainit, Surigao del Norte

Trabahador ng Pantar,

Lanao del Norte

5 months nang ‘di sumasahod

– Ako po ay isang janitor sa municipal hall ng Pantar, Lanao del Norte. Mula nang madismis ang mayor namin dito noong Mayo 2014 dahil napatunayan ng hukuman na siya ay criminal pala at ang naging mayor namin ay ang vice mayor na si Mangondaya Tago hanggang ngayon hindi pa po kami sumusuweldo. Dahil nanggugulo ang dating mayor na napatalsik at naging criminal na ngayon. May mga kasabwat kasi na pamilya ng gobernador ng Lanao Del Norte kaya hindi na ma-release ang IRA ng Pantar. Tulungan n’yo po kami rito, DILG Sec. Mar Rojas. Bakit ganito? Mamamatay na kami sa gutom. Pakitutukan po ninyo ito. ‘Wag po ilabas ang numero ko. – Concerned worker ng Pantar, Lanao del Morte

Paging DILG Sec. Roxas, kailangang-kailangan ang tulong mo dito sa Pantar.

Aksyon!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *