KORONADAL CITY – Dead on the spot ang isang misis nang tadtarin ng saksak ng kanyang mister na nagsaksak din sa sarili dahil sa matinding selos sa Notre Dame Farm, Barangay Poblacion Tupi, South Cotabato.
Hindi mabilang ang malalalim na saksak na sinabing naging sanhi ng kamatayan ng biktimang si Rona Villa Rubia, 25, isang utility worker sa Socomedics Hospital sa Koronadal City, na kagagawan ng asawang si Arjay Villa, 30, ng Polunuling Tupi, South Cotabato.
Ayon kay Supt. Larry Salcedo, hepe ng Tupi PNP, sobrang selos at depresyon ang nagtulak sa suspek para patayin ang asawa.
Ginagamot sa South Cotabato Provincial Hospital ang suspek nang mag-suicide nang malamang patay na si misis. (Beth Julian)