PATAY ang lider ng akyat-bahay sa Apalit, Pampanga habang dalawang bangkay ng lalaki ang itinapon sa basurahan sa Bacolor, ng lalawigan ito, iniulat kamakalawa.
Sa report ng Pampanga PNP, dead-on-the spot si Prince Noriel Hipolito, 21, ng Northville 10, Sampaga, San Vicente, sinasabing kabilang sa grupo ng karnaper na tumatayong lider ng mga kabataang menor-de-edad na sangkot sa mga nakawan at snatching sa naturang lugar.
Bandang 2:55 am, nang pagbabarilin ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktima habang naglalakad. Kasunod nito, dalawang bangkay ang natagpuan sa dumpsite ng San Isidro, dakong 7:30 am. Ang mga bangkay ay may taas na 5’2 hanggang 5’4, may tattoo na dragon at walang ma-pagkilanlan. Tig-isang tama ng bala sa noo at may tali sa leeg na hinihinalang ipinangsakal ang mga biktima.
(Raul Suscano)