PINAYAGAN ng Sandiganbayan si Sen. Juan Ponce Enrile na isailalim sa hospital arrest habang dinidinig ang kanyang kasong plunder dahil sa pork barrel fund scam.
Ayon sa Sandiganbayan 3rd division, nakita ng korte na may sapat na basehan para pagbigyan ang naturang kahilingan ni Enrile.
Magugunitang isinailalim ang senador sa serye ng pagsusuri ng government doctors upang mabatid ang tunay na kondisyon ng kanyang kalusugan.
Kasama rin sa naging batayan ng hospital arrest ang mahigit 90-anyos na edad ng Senate minority leader.