Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 nabaril ng bagitong parak sa Antipolo

072914 kill dead rizal crime

SWAK sa kulungan ang isang bagitong pulis makaraan aksidenteng makabaril ng limang sibilyan sa Antipolo City kamakalawa.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagresponde sa isang gulo sa Brgy. San Isidro si PO1 Mark Anthony Madula.

Sangkot sa naturang gulo ang bayaw ng pulis na si Angelito Abya at inaagrabyado ng mga kaalitan.

Nakasibilyan lang si Madula nang magresponde.

Sunod-sunod na nagpaputok ang pulis ngunit tinamaan ang limang residente na karamiha’y nadaplisan sa tagiliran, binti, at paa.

Kabilang sa mga nahagip ng bala ang mismong kapatid ni Madula na si Rea, at tiyahing si Yolanda Sison.

Sugatan din ang magkakamag-anak na sina Enrique, Elizalde, at Elbert Ambos na sinasabing nakaalitan ng bayaw ng pulis.

Boluntaryong sumuko si Madula dala ang kaniyang 9mm service pistol, at posibleng maharap sa kasong frustrated homicide.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …