Monday , December 23 2024

MPD-AnCar ‘lusaw’ sa hulidap

00 Bulabugin jerry yap jsySALAMAT naman at tuluyan nang nilusaw ni Manila Police District (MPD) director C/Supt. Rolando Asuncion ang umano’y hulidap cops sa Anti-Carnapping Unit sa Maynila.

Matagal na nating naririnig ang iba’t ibang klaseng ‘raket’ kabilang na ang hulidap d’yan sa MPD-ANCAR sa mga nakaraang panahon.

Mayroon umanong repossessed units na ginagamit ng ilang pulis o opisyal ng pulis mismo.

Meron din umanong opisyal na ‘masipag’ mang-raid ng mga surplus shop hindi para supilin kundi para hakutin, pitsaan at sila naman ang magbenta.

Kapal mo talaga, boy bay-ag!

Bukayong-bukayo ka na sa mga raket mo!

Kaya naman natutuwa tayo nang mismong si Gen. Asuncion na ang umaksiyon at tuluyang sinibak ang pitong pulis kabilang na ang kanilang hepe na si S/Insp. Rommel Geneblazo.

Ang iba pang pulis na sinibak ay sina SPOs1 Michael Dingding, Gerry Rivera, Jay-An Pertubos, Jonathan Moreno, POs2 Renato Ochinang at Marvin de la Cruz.

Buti na lang at nagkalakas ng loob na magreklamo ang biktimang si Kamran Khan Dawood, 39, negosyante at taga-1806 Platinum 2000 Annapolis  St., San Juan City.

Agad ipinalit ni Gen. Asuncion si S/Insp. Francisco Vargas, bilang hepe ng ANCAR.

Base sa reklamo, dinala ‘yung mga biktima at lima pa niyang kasama ang kaibigan niyang si Hua Long Wu sa opisina ng Ancar at doon naganap ang takutan at pangongotong. Hiningan muna ng P300,000 hanggang bumaba sa P100,000.

At kahit nagbigay ng P100,000, kinuha pa rin daw ng ANCAR ang black Toyota Camry na may plakang XPN-274 dahil kinakailangan pa raw beripikahin ‘kuno.’

Tsk tsk tsk …

Sana’y tuloy-tuloy nang makasuhan ang mga ‘yan kapag nagpositibo sa imbestigasyon.

Ituloy mo ‘yan, Gen. Asuncion!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *