PATAY na at tadtad ng tama ng bala sa katawan nang matagpuan kamakalawa ng umaga ang lider ng Alex Daud group na responsable sa pagtutulak ng droga sa munisipalidad ng Rodriguez at iba pang kalapit na bayan sa lalawigan ng Rizal.
Sa ulat ni Supt. Robert Baesa, officer in charge, kinilala ang napatay na si Alex Daud alyas Felix, nasa hustong gulang.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 8 a.m. nang makarinig ng ilang minutong putukan ang mga residente ng Jovit-3, Sitio Laan, Brgy. Macabud.
Hinihinalang onsehan sa droga ang motibo ng pagpaslang kay Daud.
(ED MORENO)